Saturday, July 20, 2013

4 sisters and a wedding


 Isang pelikula na tungkol sa pamilya, halos lahat na nga ng genre nandito na sa pelikulang ito mayroong komedya, drama, romance at marami pang iba ngunit ang pelikulang ito ay nakasentro talaga sa pamilya, Isang pamilya na over- protective sa kanilang bunsong kapatid na nag-iisang lalaki si Cj na ginaganapan ni Enchong Dee, at dahil nabigla ang kanyang mga ate sa kanyang desisyon kahit ang mga na sa ibang bansa niya na ate ay sumugod at nagmadaling umuwi sa Pilipinas para lang pigilan at intindihin kung tama nga ba ang desisyon ni Cj. Nang magkita na ang magkakapatid makikita sa kanilang galaw na namiss nila ang isat- isa ngunit may ilangan sa sa parte ni Bobbie na ginaganapan ni Bea Alonzo at Alex na ginaganapan naman ni Angel Locsin dahil may nangyaring agawan ng boyfriend. 
Dumako tayo sa setting ng pelikula. Ito ay naka-focus sa bahay ng mga Salazar, ito ay isang typical na bahay sa maynila may dalawang palapag ang bahay sa ibaba ay ang sala at ang kainan sa itaas naman ay ang mga kwarto, higit ko rin napansin ang mga medalya at sertipiko na naka-display sa isang parte ng bahay nila, dahil dito nabuo ang expectations at inggitan sa parte ng magkakapatid. Tamang tama ang mga lokasyon na pinili ng pelikulang ito, malinaw nilang naipakita ang estado ng buhay ng dalawang pamilya.
Ang mga artista ay talaga namang magagaling, nagustuhan ko ang role ni Angel Locsin bilang si Alex ang rebelde at black sheep ng pamilya dahil simple lang ang kanyang pag-arte kahit walang effort, nadala niya ang kanyang role tulad sa isang eksena kung saan siya ay nakikipagtalo kay Bea Alonzo. Si teddy na ginaganapan ni Toni Gonzaga ay napaka- convincing naman dahil mararamdamn mong in-character siya naipakita niya ito sa isang eksena na talaga namang nakakadala ng damdamin ng siya ay magmakaawa sa kanyang ina na siya ay patawarin sa pagtago ng totoo. Si Bea Alonzo bilang si Bobbie ay laging namimisunderstood dahil na rin sa kanyang karanasan noong siya ay bata pa ngunit kahit ganoon naiintindihan niya ito, sa isang eksena sa pelikula noong sila ay naglabas ng sama ng loob sa isat isa sinabi niya na kahit ganoon ang nararamdaman niya pinipilit niyang intindihan ang lahat. Si Shaina Magdayao na tahimik at binansagang the old maid ay simple ngunit makikita mo sa kanya ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya dahil sa pelikula siya ang naiwan upang mag-alaga sa kaniyang ina.
Maraming aral ang makukuha sa pelikulang ito, Una, dahil ito ay sumasalamin sa totoong pangyayari sa loob ng isang pamilya. Ikalawa, natural lang sa magkakapatid ang mag-away, magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, ang importante ay kung paano ba ito maayos. Ikatlo, Ipinakita ng pelikula na ito kung gaano kahalaga ang pagiging tapat at pagkakaroon ng tiwala sa pamilya, pati na rin kung gaano kahalaga ang pamilya sa ating lahat. Pangapat, pagmamahal at pagpapatawad sa bawat isa, ang magiging susi sa maginhawang buhay at relasyon.  At Ikalima matuto rin tayo na irespeto ang desisyon ng bawat isa.

Luisa Garcia
Colegio de San Juan de Letran

2 comments:

  1. I love to watch this, because this movie can inspiring me how to make anything and how to solve the problems.

    ReplyDelete
  2. Ipinapakita sa pelikula ang kahalagahan at pagkakabuklod-bukod ng pamilyang Pilipino. Mayroon mang hindi pagkakaintindihan, ito ay naayos sa matiwasay na pamamaraan.

    ReplyDelete